Sa kabila ng pagiging mababang presyo ng mga branded na bagay dito gaya ng Nike at Addidas, masasabi ko na hindi pa din ito yung lugar na dayuhin ng mga tao. Isang kadahilan nito ay hindi ito madaling puntahan at kung mapuntahan man ng mga tao ay kinakailangan na may mga pera ang mga ito. Ibig sabihin lang nito na ang Paseo ay lugar kung saan ang mga taong may kaya sa kanilang luho ang siyang makakatigil at makakapamili. Nahihiwalay ng lugar na ito ang mga taong namumuhay lamang para sa kanilang pangaraw araw na buhay.
Ngunit sa kabilang banda, hindi lubos marahil akalain ng karamihan na ganito ang tunay ng nangyayari. Isang katunayan nito ay ang tindahan na matatagpuan sa may kalikuran ng Paseo. Dito mo makikita yung mga tipikal na tindahan at mga taong kadalasang namumuhay ng isang kahig isang tuka. Ang mga uri ng tindahan dito ay pangkaraniwan at kadalasan pa ay mga panggagaya ng mga branded na bagay. Labis na ibang iba ang hitsurang ito ng Paseo kumpara sa una mong makikita ng magara at maaliwalas. Ito ay isang uri lamang ng pagpapakita kung paano hinahati ng lipunan ang mga tao base sa kanilang panlipunan klase.
Sa gitnang bahagi ng SM makikita ang isang entablado na kung saan nagtanghal ang isang grupo ng mga matatanda. Ipinakita nila ang kanilang galing sa pagaaerobics na labis na nagpangiti sa maraming tao. Malaya man nilang ibinabahagi ang kanilang kasiyahan, hindi nito maiaalis na sila ay nagsisilbi lamang pangkatuwaan ng ibang tao. Subalit mayroon namang mga taong tila hindi naging masaya sa ginagawang pangaaliw. Marahil sapagkat nakikita nila ang pagkontrol ng SM sa isang kultura na ang pakay ay mapanatiling malusog ang pangangatawan at hindi ang mangaliw ng mga indibidwal.
Huli sa aming plano ng patutunguhan ay ang lugar ng Liliw sa Laguna. Dito kilala ang lugar bilang mangagawa ng sapatos at makikita mo ang kaliwa't kanan mga tindahan nito. Bukod sa sapatos, matatagpuan din dito ang mga pangkaraniwang pampasalubong na tinitinda ng mga Pilipino. Sa lahat ng aming tinungo ito lang ang masasabi ko na lugar na purong Pilipino sa kultura nito.
Mga Piinagkunan:
http://t1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSoK1o_NWDHJp7tjDHDjH1gvKMC1Yb8Itp0K96TJZ78E4elvgoyvwhttp://t2.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSV7DO-9zyRY6g6jgf6NSsrT8y6TtpxZu_4IQ1_HhnXo3SjH14
http://t3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcThm89eKRw4JD1CPUIMlvww4cS8sMUYomgP9qjuUeVWYwfEQ5ez
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento